SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Lawak ng Paggamit ng Teknik sa Pamamahala ng Silid-Aralan ng mga Guro at Akademikong Pagganap ng mga Mag-Aaral sa Filipino

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

JERALYN S. ENDRINO



ABSTRACT

— Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mahahalagang ugnayan sa pagitan ng lawak ng paggamit ng teknik sa pamamahala ng silid-aralan ng mga guro at akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng “descriptive-correlational” na uri ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagsagot sa isang sorbey na naglalayong suriin ang mahahalagang ugnayan sa pagitan ng lawak ng paggamit ng teknik sa pamamahala ng silid-aralan at ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang pananaliksik na ito ay “descriptive” dahil binibigyang kahulugan ang lawak ng paggamit ng teknik sa pamamahala ng silid-aralan at ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ito din ay “correlational” dahil ito ay sumusukat sa mahalagang ugnayan sa pagitan ng “independent at dependent variables” sa pananaliksik na ito. Ang lokasyon ng pagaaral na ito ay ang Sambulawan Elementary School, isa sa mga paaralan sa Leyte District I, Schools Division of Leyte, Leyte. Ang mananaliksik ay gumamit ng sarbey kwestyuner na ginamit ni Marzano et al., (2003) sa kanyang pananaliksik na “Classroom Management That Works”. Ang sarbey kwestyuner ay binubuo ng 20 aytem na nagpapahayag ng lawak ng mga estratehiya sa pamamahala ng silid-aralan. Samantala, upang masuri ang lebel ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino, ang mananaliksik ay kukuha ng mga datos sa kabuuang grado ng mga bata sa asignaturang Filipino sa nagdaang school year 2024-2025. Pinagtitibay ng mga resulta ng pananaliksik na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng antas ng mga teknik sa pamamahala ng silid-aralan at ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ipinapakita ng mga natuklasan na ang epektibong pagpapatupad ng mga estratehiya sa pamamahala ng silid-aralan ay may malaking impluwensya sa pagbuo ng positibong kapaligiran sa pagkatuto na nagreresulta sa mas mataas na akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Ang mataas na marka sa iba’t ibang dimensyon ng pamamahala ng silid-aralan, partikular sa pamamahala ng asal, oras, kapaligiran ng silid-aralan, at ugnayan sa mag-aaral, kasama ng napatunayang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga ito at ng akademikong pagganap, ay nagpapakita ng mahalagang papel ng mga guro sa pagbibigay ng malinaw na estratehiya, maayos na sistema, at positibong ugnayan sa loob ng klase. Keywords — Lawak, Paggamit, Teknik, Pamamahala, Slid-Aralan, Guro, Akademikong Pagganap, Mag-aaral, Filipino