ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
— Sa makabagong panahon ng edukasyon, nagiging mahalaga ang digital literacy sa pagtanggap ng mga guro sa paggamit ng artificial intelligence (AI) bilang kasangkapan sa pagtuturo. Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang ugnayan ng antas ng digital literacy at pagtanggap ng mga guro sa Filipino sa paggamit ng AI sa pagtuturo gamit ang Technology Acceptance Model (TAM) ni Davis (1989) bilang balangkas teoretikal. Ginamit ang descriptive correlational na disenyo, kung saan 27 guro sa Filipino mula sa Bukidnon National High School ang sumagot sa sarbey upang masukat ang kanilang digital literacy at pananaw sa AI. Lumabas sa pagsusuri na mataas ang antas ng digital literacy ng mga guro at positibo ang kanilang pagtanggap sa AI, lalo na sa aspeto ng kapakinabangan at kaluwagan ng paggamit nito. Gayunpaman, natuklasan na tanging ang paniniwala sa kaluwagan ng paggamit ng AI ang may makabuluhang ugnayan sa digital literacy, habang ang iba pang aspeto gaya ng kapakinabangan at aktwal na integrasyon sa estratehiya sa pagtuturo ay hindi nagpakita ng makabuluhang ugnayan. Ang kinalabasang ito ay akma sa TAM, partikular sa salik ng kaluwagan sa paggamit. Kaya, iminumungkahi ang patuloy na pagsasanay upang mas mapabuti ang kanilang digital literacy at magbigay ng mas mataas na antas ng pagtanggap sa teknolohiyang ito, at hinihikayat ang mga susunod na pag-aaral na isaalang-alang ang personal na salik gaya ng edad, karanasan, at antas ng edukasyon sa pagsusuri ng pagtanggap sa artificial intelligence sa pagtuturo. Susing Salita — artificial intelligence, digital literacy, technology acceptance model (TAM)